7 arestado sa illegal horse fighting

KORONADAL CITY — ARESTADO ang pitong suspek sa anti-illegal gambling operation na isinagawa ng mga otoridad kahapon ng hapon sa bulubunduking bahagi ng Sitio Imbong, Barangay Lam-Apos, Banga, South Cotabato.

Kinilala ng Banga Municipal Police Station ang mga nahuling suspek na sina Yvone Magno Barrios, 37 anyos, residente ng Barangay Bachucan, Libungan, North Cotabato; Arsenio Nepucpan Mutril, 58 anyos, magsasaka, residente ng Barangay Lamian, Surallah, South Cotabato; Aiza Catubig Suello, 34 anyos, at Arvin Lee Suello, 35 anyos, pareho residente ng Barangay Cebuano, Tupi, South Cotabato; Baltazar Malicia Aldabon, 38 anyos, Laborer, nang Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato; Reymar Capay Magbanua, 32 anyos, laborer, residente ng Barangay Lampitak, Tampakan, South Cotabato; at Wilbert Sandigas Fuentez, 29 anyos, magsasaka, residente ng Barangay Poblacion, Maasim, Sarangani Province.

Ito sila ay inaresto, matapos mahuli ng mga otoridad sa akto na nagsasagawa ng illegal horse fighting sa nasabing lugar, kung saan narekober ang P170, 577 na bet money at tatlong kabayo, isang babae at dalawang lalaki.

Sa ngayon ang naturang mga suspek ay nananatili sa pag-iingat ng Banga PNP para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *