7 bagong kaso ng pertussis sa lungsod ng Quezon, naitala ng QC LGU

Nakapagtala pa ng pitong bagong kaso ng pertussis o whooping cough ang Quezon City – batay sa datos ng Epidemiology and Surveillance Unit ng lungsod.

Sa kabuoan, umabot na sa tatlumpu’t dalawa ang kaso ng nabanggit na sakit sa siyudad kung saan mas mataas ito kumpara sa dalawampu’t pito na mga kaso noong nakaraang taon.

Nanatili sa lima ang bilang ng mga namatay na karamihan sa mga apektado ay mga sanggol hanggang 13 anyos.

Una nang tiniyak ng DOH na kontrolado na ang kaso ng pertussis sa bansa at hindi na ito inaasahang tataas pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *