7-buwang gulang na sanggol sa Pamplona Camarines Sur nag positibo sa COVID-19

NAGA CITY- 60 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur base sa tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office.

11 ang bagong naka recover at walo lamang ang nag positibo sa tala kahapon Nov. 17, 2022. Sa  panghalahatan 17, 684 na ang nakarekober habang, 860 ang nasawi sa 18, 604 cumulative cases.

Sa Tambo , Pamplona isang pitong taong gulang na sanggol ang nag positibo sa sakit. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Lalaine Negrito, sinabi nitong baka hindi pa ito nakasama sa ulat ng EDMERO dahil kalalabas lamang sa ospital. Hindi nawawalan ng sipon ang sanggol kaya dinala sa Bicol Medical Center , nang sumailalim sa testing ay positibo sa virus.

Binigyan diin ni Negrito ang kahalagahan ng pagbabakuna dahil delikado kung may mga kasamang immunocompromised.

Tulad sa ibang mga bayan, hirap na rin silang magkumbinse sa mga residente , marami aniya ang mga partially vaccinated at ayaw nang magpakompleto ng bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *