7 eskwelahan sa Cauayan City, nakatanggap ng parangal

Nakatanggap ng parangal ang pitong eskwelahan sa lunsod ng Cauayan sa ginanap na 1st Virtual Brigada Eskwela Award 2020.

Sa panayam ng 92. 9 Brigada News FM Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan City , tatlo sa elementary level at apat sa secondary level ang nakatanggap ng parangal mula sa DEPED Region 2.

Mula sa elementary level ay nagwagi sa small category ang Cabugao Elementary School, San Fermin Elementary School naman sa medium category at mula sa mega category ay nagwagi ang Cauayan North Central School.

Napanalunan naman ng Cauayan City National High School Cabaruan Ext. ang small category sa secondary level, CCNHS Research Annex sa Medium Category, Cauayan City Science and Technology Hih School sa mega Category at CCNHS Main ang Most Sustainable BE school.

Aniya, ilan sa naging basehan sa pagkapanalo ng nasabing mga eskwelahan sa Brigada Eskwela ay ang partisipasyon ng mga stakeholders at komunidad.

Ayon pa kay Dr. Gumaru, tinignan din ang bilang ng attendance ng mga nagvolunteer, bilang ng resources maging ang halaga ng mga resources ay kinakailangang ma-identify.

Dagdag pa nito, malaki umanong tulong ang pagiging volunteer ng mga mamamayan sa bawat eskwelahan sa ginanap na Brigada Eskwela.

Muli namang hinikayat ni Dr. Gumaru ang mga guro at mag-aaral na ipagpatuloy lamang ang maayos na pag-aaral maging ang suporta ng mga magulang sa kanilang anak upang maitawid ang new normal set-up o most challenging school year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *