7 kandidatong babae para sa pagka-alkalde wagi sa Sorsogon

SORSOGON CITY –Pitong babae ang nanalo sa halalan sa pagka-alkalde sa lalawigan ng Sorsogon.

Maituturing na ‘women leaders’ sina Ma. Ester Hamor sa Sorsogon City, Cynthia Falcotelo sa bayan ng Barcelona, Maria Minez Hamor ng Casiguran, Gloria Alindogan ng bayan ng Juban,  Maria Elena Ramona Ragrario ng Magallanes, Cattleya So ng Matnog at Carolyn Reyes ng bayan ng Pilar.

Sa pito, dalawa dito ang matatawag na ‘neophytes’ o unang beses na hahawak ng posisyon, ito ay sina Hamor ng Casiguran at Ragrario ng Magallanes,  subalit ang mga ito ay hindi na bago sa larangan ng pulitika dahil ang mga magulang ni Hamor at asawa ni Ragrario ay mga beteranong politiko na sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *