7 katao, 1 minor, arestado sa pagsusugal sa Batangas

SAN LUIS – Kalaboso ang walong katao kabilang ang isang minor matapos na maabutan ng mga awtoridad na naglalaro ng baraha sa Brgy Taliba, San Luis, Batangas, hapon noong Martes.

Kinilala ng San Luis Municipal Police Station ang mga naaresto na sina James Dean Delas Alas, 20; Jun Mendoza, 52; Rudy Lasala, 38; Lucky Eves Lasala, 25; Jay- ar Rodriguez, 24; Ma. Gemma Noto, 51; Daisy Delas Alas, 48 at isang minor de edad, pawang mga residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas sa imbestigador na si PSSG Mark Dexter Leonor Comia, sinabi nitong aktong naaresto ng kanilang intelligence unit ang walo na naglalaro ng ‘Bet Game’.

Narekober mula sa kanila ang isang set ng baraha at tayang nagkakahalaga ng 725.00 pesos.

Dagdag pa ni Comia na hindi na pumalag pa ang mga suspek ng arestuhin at idinahilan umano ng mga ito na sila ay nagpapalipas oras lamang.

“Pampalipas oras lang daw Sir”, ani ni Comia.

Napag-alaman na wala rin umanong suot na face mask ang mga naarestong indibidwal habang nagsusugal.

Kinasuhan na ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 1602 at kasalukuyang nakadetina sa custodial facility ng naturang himpilan.

Aabot sa 24,000 pesos ang piyansa sa mga nahuhuling naglalaro ng iligal na sugal gaya ng ‘Bet Game’. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *