Luzon

7 katao arestado sa tupada sa bayan ng Capalonga, sabong isa umano sa dahilan ng pagkalat ng sakit na COVID- 19 ayon naman sa DOH

CAPALONGA CAMNORTE- Naglunsad ng anti- illegal gambling operation ang mga pulis at sundalo sa Capalonga Camarines Norte noong Linggo sa Barangay Alayao na nagresulta sa pagkaka aresto ng pito katao habang nagtutupada.

Arestado sa naturang operasyon sina Renato Florendo y Severino 67, residente ng Brgy. Dahican Jose Panganiban, Rommel Tejada y Alvarez 42, Jovet Canicula y Madera 34, Gilbert Jueves y Oliva 43, Rodel Pacuan 25, Roven Crisostomo y Galimba 33, at Ian Jake Rojo y Talento 21, pawang mga residente ng Capalonga.

Ayon sa pulisya, nahuli umano ang mga nabanggit na suspek habang nagtutupada at ang ilang kalalakihan naman ay nagsipagtakbuhan sa iba’t- ibang direksyon ng matunuguan ang pagdating ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa nabanggit na operasyon ang dalawang buhay na panabong na manok, dalawang tari at pera.

Ang mga naaresto at nakumpiskang ebedensya ay dinala sa Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon.

Tila hindi alintana ng mga nahuli ang banta ng COVID- 19 lalo’t ilang magkakasunod na araw ay nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit sa naturang bayan.

Noon lang araw ng Linggo ay walo ang mga nagpositibo sa sakit sa Capalonga liban pa sa ilang naitalang kaso bago ang nabanggit na araw.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na isa ang sabong sa dahilan ng hawaan ng sakit.

BNFM Daet

Recent Posts

Claudine Barretto at Yasser Marta, nagkaka-develop-an na!

Diretsahang inamin ng baguhang aktor na si Yasser Marta (27 yrs old) na mayroon siyang…

7 mins ago

Pinoy boxer na si Suganob, napanatili ang WBO Global title

Matagumpay na naidepensa ni Regie “Filipino Phenom” Suganob ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Global…

10 mins ago

Isang village sa Thailand, gumawa ng ritwal upang sugpuin ang tagtuyot sa bansa

Habang ang milyun-milyon taon sa buong Southeast Asia ay dumaranas ng matinding init na pananhon,…

20 mins ago

Aircon ng Municipal Health Office sa Pangasinan, ninakaw dahil sa tindi ng init

Ninakaw ang isang aircon sa municipal health office sa Pangasinan dahil sa tindi ng init.…

23 mins ago

Cedric Lee – magpapahinga at magre-recharge muna sa paglipat sa Bibilid

Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa ang negosyanteng si Cedric Lee…

28 mins ago

Gulong, kumalas sa trak; 2 sugatan

Sugatan ang isang fish dealer at pahinante nito habang nakaligtas ang driver ng trak nang…

10 hours ago