Local News

7 katao naospital matapos atakehin ng asong ulol sa Pilar, Sorsogon

SORSOGON CITY—Pitong indibidwal ang nasugatan at kinailangang dalhin sa ospital matapos atakehin ng asong ulol sa bayan ng Pilar, Sorsogon Lunes ng gabi.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News FM Sorsogon sa mga barangay officials ng Barangay Marifosque kung saan naitala ang apat na bilang ng mga nabiktima, nakasalubong lang umano ng mga biktima ang nasabing aso nang bigla sila nitong inatake at kinagat.

Pero bago ito, napansin na umano ang aso na pabalik-balik mula sa Barangay Banuyo papuntang Barangay Marifosque hanggang sa Barangay Calongay habang naglalaway, sugat-sugat ang katawan, at tila wala sa tamang kondisyon.

Kwento naman sa Brigada News FM ni Mang Jessie Cantonjos, isa sa mga biktima mula sa Brgy. Marifosque, papaalis pa lang siya sakay ng kanyang motorsiklo galing sa isang vulcanizing shop nang bigla siyang ambahan ng nasabing aso at kinagat ang kanyang binti.

Ang mga nabiktima ay dinala sa Donsol District Hospital para mabigyan ng karampatang lunas at maturukan ng anti-rabies vaccine.

Anim sa mga ito ay agad na nakauwi habang ang isa ay pinaiwan pansamantala dahil sa pagdurugo ng sugat matapos umanong tamaan ang ugat nito.

Napatay naman ang aso matapos paluin ng mga residente nang magbadya pa itong muling umatake at mangagat. Blangko ang mga biktima pati ang mga opisyal ng barangay kung sino ang may-ari ng nasabing aso.

Kaugnay nito ay nagpaalala si Lito Reyes Jr., Meat Inspector at Animal Technician ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Pilar sa mga responsibilidad ng mga may-ari ng aso tulad ng paglalagay ng maayos na tali at kulungan para hindi makawala o makaperwisyo, pagpapabakuna sa mga ito ng anti-rabies, at pakikibahagi sa programa ukol  tamang pag-aalaga ng hayop para maiwasan ang mga ganitong insidente.###

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Ex-convict gipusil-patay samtang natulog sa e-bike

Napalgang wala nay kinabuhi nga nagbuy-od sa ebike ang usa ka ex-convict kinsa gipusil-patay pasado…

26 mins ago

DepEd – nag-commit na sa pagbabalik ng dating school calendar

Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa…

30 mins ago

DA – wi-nelcome ang pag-certify as urgent ni PBBM sa RTL

Kaisa raw ang Department of Agriculture (DA) sa mga isinusulong na pag-amiyenda sa Rice Tarrification…

31 mins ago

COMELEC: malapit nang malampasan ang target na bilang ng nagpa-rehistrong bontante

Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na malalampasan nito ang projection na 3 milyong bagong…

35 mins ago

Senador – wi-nelcome ang ‘chibog’ tourism ni PBBM

Ikinatuwa ni Senate Committee on Tourism, Chairperson, Senadora Nancy Binay ang pagkilala ni Pangulong Ferdinand…

38 mins ago

Self-confessed gunman sa Percy Lapid case – hinatulan ng 8-16 taong pagkakakulong

Sinentensiyahan ng walong taon hanggang 16 na taong pagkaakulong si Joel Escorial - ang self-confessed…

40 mins ago