7 na wanted sa kasong rape timbog sa Manhunt Charlie ng Pulis Kasanggayahan

SORSOGON CITY – Arestado ang 7 na most wanted persons na may mga kinakaharap na kasong panggagahasa sa pinaigting na kampanya sa ilalim ng Manhunt Charlie sa magkakahiwalay na operasyon ng Pulis Kasanggayahan.

Kinilala ang mga akusado na sina Philip Filsan Dooc Siruno alias Filsan Philip Dooc Siruno, 37-anyos, binata, residente ng Brgy Poblacion Bacon District, Sorsogon City at itinuturing na No 1 Provincial Most Wanted Person matapos na ipalabas ang warrant of arrest ng RTC Br 51 sa kasong 8 counts of rape.

Kabilang din sa mga nahuli sa Brgy Sawanga, Bacon District ng nasabing lungsod sina Andrew Barrameda Destajo, 29-anyos, itinuturing na rank No. 1 most wanted person ng Sorsogon City Police; Jayson Bolaṅos alias Jason Bolaṅos, 28-anyos, itinuturing na No. 2 MWP at si Chito Deocareza Diolata, 34-anyos.

Naaresto din ang halos 7 taong nagtago sa batas na si Larry Divinagracia Olimpo alias ‘Babog,’ 50 –anyos, residente ng Brgy Binisitahan Norte, Magallanes, Sorsogon at itinuturing na rank No. 1 most wanted person ng Magallanes Police.

Himas rehas na rin ang No. 3 most wanted person ng Pilar Police makaraang makorner ito sa Brgy Cabid-an sa lungsod ng Sorsogon. Kinilala itong si Wifredo Marchan Azuela, 36-anyos.

Sa Brgy Ogao, Gubat naman nahuli ang No. 1 most wanted person ng Tagkawayan Police, Quezon Province na si Lito Federio Estabaya alias Lito, 28-anyos, laborer. Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng arrest warrant na ipinalabas ng RTC Br 63- Caluag, Quezon.

Walang itinakdang piyansa ang mga korte sa kasong kinakaharap ng mga akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *