7 patay at mahigit 40 nawawala sa landslide sa bayan ng Maco Davao de Oro

//CHR

Umakyat na sa 7 ang namatay matapos gumuho ang bundok malapit sa minahan sa Maco Davao de Oro.

Patuloy pa rin ang kinakasang search and rescue operations lalo na’t mahigit 40 pa ang nawawala.

Ayon sa mga otoridad nahihirapan silang hukayin ang lupa dahil unstable ito at posibleng mangyari pa ang pagguho.

Base sa report tatlong bus at isang jeep na may mga sakay na empleyado ng minahan nabaon sa landslide.

Kwento naman ng isa sa mga survivor pauwi na sana sila nang biglang gumuho ang lupa.

Sinira ng ibang survivor ang bintana ng bus para makaalis pero hindi lahat pinalad.

Sinabi ng local na pamahalaan na gumuho ang lupa dahil sa matinding ulan dulot ng shear line at low pressure area.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsusuri kung may iba pa bang dahilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *