7 patay sa engkwentro ng militar at NPA sa Balayan, Batangas

Patay ang pitong indibidwal kabilang ang anim na miyembro ng New People’s Army o NPA sa nangyaring engkwentro sa bahagi ng Barangay Malalay, Balayan, Batangas

Sa ulat ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army, nangyari ang sagupaan, pasado alas-2 ng madaling araw, kahapon ng Linggo.

Matagumpay na narekober ng military sa pinangyarihan ng engkwentro  ang ilang gamit pandigma kabilang ang dalawang M16, isang shot gun, isang M653, laptop, blasting cup, assorted magazines, labing apat na cellphone, mga bala at iba pang personal na gamit.

Samantala, sa hanay ng mga kasundaluhan, may isang nagbuwis ng buhay habang tatlo naman ang sugatan na patuloy na nagpapagaling.

Nananatiling mahigpit ang seguridad sa naturang lugar hanggang sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *