ZAMBALES- Pumanaw ang pitong pasyente na kumpirmadong kaso ng covid-19 sa lalawigan ng Zambales base na rin sa inilabas na ulat kahapon ng Provincial Health Office.
Sa opisyal na pahayag, ang mga nasawi ay sina ZAM1234 ng San Narciso, ZAM1503, ZAM1504, ZAM1631, at ZAM1741 na mga parehong mula sa San Antonio, ZAM1747 ng Palauig, at ZAM1849 ng Cabangan.
Dahil dito ay umakyat na sa 47 ang binawian ng buhay sa lalawigan dahil sa covid-19 habang ang kumpirmadong kaso ay pumalo na sa 1,878 at mula dito ay nakarekober na ang 1,556.
Paglilinaw lang ni Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, magkakaiba ang petsa kung kailan namatay ang mga ito.
Kagabi lamang naiulat dahil na rin sa masusing validation na ginagawa.
Sa Olongapo City naman, ay nadagdagan ng dalawa ang bilang ng mga pumanaw, ito ay sina PHOC1433 at PHOC1458 dahilan para pumalo na sa 72 ang binawian ng buhay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO