7 rehiyon na may aktibo, potential private armed groups, natukoy ng mga otoridad

Natukoy ng  Philippine National Police (PNP) ang pitong rehiyon kung saan nila na-monitor ang active at potential private armed groups (PAGs) sa harap ng nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sa isang press briefing, kinumpirma ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. na ang rehiyong may PAGs ay ang Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Caraga, Cordillera, at Bangsamoro.

Dagdag pa niya, binabantayan din ng kapulisan ang patuloy na kilusan ng 48 private armed groups kung saan tatlo sa mga ito ang aktibo, at 45 naman ang potential PAGs mula sa Region 1, Region 3, Region 5, Region 6, Region 13, Cordillera Administrative Region, at BARRM.

Kaugnay nito ay binigyan na raw ni Acorda ng direktiba ang mga regional directors na palakasin ang kanilang paghahanda laban sa mga PAGs upang masigurong hindi gagawa ng anumang illegal activities ang naturang mga grupo kaugnay ang BSKE sa Oktubre.

Mababatid na nakatatanggap na rin daw ang PNP ng mga ulat na ang ilang mga government officials at potential candidates ay humaharap sa security threats ilang buwan bago ang halalan. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *