7 sa 10 CPP-NPA terrorists na napatay sa Bukidnon, kinilala na ng militar

Natukoy na ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang pagkakakilanlan ng pito sa 10 bangkay ng CPP-NPA Terrorists na nasawi sa engkwentro sa Malaybalay City, Bukidnon noong Araw ng Pasko.

Ayon kay 8th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Anthony Bacus, kabilang sa napatay ang mag-asawang CNTs na sina Beverly Sinunta alyas Ayang, at ang asawa niyang si Alfredo Banawan alyas Alab.

Kabilang din sa nasawi ang kanilang anak na si Chen-Chen Banawan alyas Pao/Chin2, pawang mga taga Sitio Trukat, Brgy. Cawayan, Quezon, Bukidnon.

Ang iba pang kasamahan nitong CNTs na napatay ay kinilalang sina Penita Singaman, alyas “Pening,” , Bebot Solinay alias “Ligid,” ; Aurelio Gonsalez, alyas “Alvin,” at isang alyas “Louie” mula sa Agusan province.

Ang mga ito ay natukoy na miyembro ng Sub-regional Committee 2, Headquarters Loader and Regional Sentro de Gravidad (RSDG) Compaq of the North Central Mindanao Regional Committee.

Nakipag-ugnayan na ang militar sa pamilya ng mga nasawi kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pulisya at local government unit para sa tamang disposisyon at turnover ng mga labi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *