7 sa 10 Pilipino – naniniwalang dapat paigtingin ang presensya ng bansa sa WPS

Suportado ng mas maraming Pilipino ang pinalawak na naval patrol at presensya ng tropa sa West Philippine Sea upang igiit ang mga karapatan sa teritoryo ng bansa sa lugar.

Ito ay batay sa survey na isinagawa ng OCTA Research kamakailan kung saan ang mga respondent ay pinapili ng mga hakbang na sa tingin nila ay dapat unahin ng gobyerno upang matugunan ang mga isyu sa West Philippine Sea.

Napag-alaman sa Tugon ng Masa National Survey, na 72% o pito sa bawat 10 Pilipino ang naniniwala na ang administrasyon Marcos ay dapat mas igiit ang mga karapatan sa teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng aksyong militar.

Samantala, 70% naman ang nagsabing dapat matugunan ang isyu sa pamamagitan ng diplomasya at iba pang mapayapang pamamaraan.

Ito rin ang unang pagkakataon na naging isang priority measure ang pagpapataas ng presensya ng militar sa lugar upang igiit ang mga karapatan sa teritoryo ng Pilipinas.

Nabatid na isinagawa ang survey sa gitna ng mga agresibong aksyon ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *