7 sugatan sa VA sa Rotonada, Koronadal kahapon, stable na!

KORONADAL CITY — STABLE ngunit under observation pa sa South Cotabato Provincial Hospital ang pito sa siyam ka tao na sugatan sa salpukan ng isang motorsiklo at dalawang tricycle kahapon ng hapon sa Purok Marcos, Barangay Rotonda, nitong lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa isa sa mga sugatan na si Charmaine Morena, estudyante, nananatili umano sila sa ngayon sa ospital, ngunit ilan sa mga ito ay hindi pa makatayo dahil sa mga sugat na natamo sa nasabing aksidente na ikinamatay ng isang limang taong gulang na bata.

Agad namang nakalabas ng ospital ang magkapatid na sakay ng motorsiklo matapos nagtamo ng minor injuries sa aksidente.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Koronadal PSSG Leo Dimaculangan, traffic investigator ng Koronadal City PNP, sinabi nito na base sa kanilang imbestigasyon, ‘umovertake’ ang motorsiklo ng magkapatid sa isang sasakyan at bumangga sa kasalubong na dalawang tricycle.

Unang binangga nito ang tricycle na sinasakyan ng limang taong gulang na batang namatay na minamaneho ng tiyuhin nitong si Joseph Sapid, na kapwa mga residente ng Barangay Rotonda.

Binangga din ng motorsiklo ang kasunod nitong tricyle na may sakay na anim, kasama na ang driver at limang estudyante.

Kinumperma din ni Dimaculangan na amoy alak ang dalawang naka-sakay sa motorsiklo na kinilalang sina Archie Polistico Jore, 18, driver at kapatid na menor de edad.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Koronadal City PNP ang magkapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *