7 suspek sa hazing incident na ikinamatay ng 18-anyos sa Laguna, tinutugis na ng mga otoridad

Pinaghahanap pa rin ng Philippine National Police ang pitong suspek sa insidente ng hazing sa Kalayaan, Laguna na ikinamatay ng 18-anyos na si Raymark ‘RR’ Rabutazo.

Kinumpirma naman ni Kalayaan Police chief Police Lieutenant Erico Bestid Jr. na dalawa pang suspek ang naaresto at agad itong isinailalim sa inquest proceedings.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Reyvince Espaldon at Venzon Benedict Lacaocao na itinuturong mga opisyal ng Tau Gamma Phi fraternity.

Ayon kay Bestid, ang mga sangkot sa hazing ay mga estudyante at out-of-school youth.

Sa pahayag naman ni Remil Rabutazo, ama ng biktima, hindi bababa sa 23 miyembro ng fraternity ang naroroon sa hazing venue – at ilan sa kanila ay kanilang mga kamag-anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *