7-taong gulang na batang babae, kinilala ng Guinness bilang pinakabatang opera singer

Kinilala ng Guinness World Record ang pitong taong gulang na batang babae bilang pinakabatang opera singer sa buong mundo.

Ayon sa Guinness World Record dumalo si Victory Brinker sa Pittsburgh Public Theatre’s Lights and Legends show noong 2019 at nagpakitang gilas ng halos walong professional performances kung kaya’t nakuha ang nasabing record sa edad na pitong taon.

Ipinahayag rin ni Brinker sa Guinness na dalawang taon pa lamang ay mahilig na syang magkwento at kumanta at sinasaulo rin umano nya ang buong CD na may magagandang tunog.

Dagdag pa nito, bago pa ang kanyang ika-anim na taong kaarawan ay napapakinggan niya na ang mga opera at kinalaunan ay naging interesado na siya rito.

Samantala, ang sampung taong gulang naman na si Latrobe Pa, ay gumawa na rin ng isang kasaysayan noong nakakuha sya ng Golden Buzzer mula sa judges ng America’s Got Talent.### ROWELYN SARALDE, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *