70 indibidwal na may kapansanan, kinoronahan bilang mga Prom King at Queen

Kinoronahan ang nasa 70 adults with disabilities bilang mga Prom Kings at Queens sa ikalawang taunang Super Star Prom sa Sandy Springs, Georgia.

Kasama ang kanilang mga mahal sa buhay,  naglakad ang mga dumalo sa red carpet na may temang Hollywood Walk of Fame.

Sa tulong naman ng isang eskwelehan sa lungsod, inayusan rin ang mga dumalo kung saan nabigyan sila ng libreng hair and makeup service.

Ayon sa program manager ng Sandy Springs Recreation and Parks Department, naging magical ang party dahil lubos silang nag-enjoy rito.

Nagbigay aniya ito ng oportunidad sa mga dumalo na makipag-socialize at maging parte ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *