700 endangered seals, natagpuang patay sa baybayin ng Caspian sa Russia

Humigit-kumulang 700 endangered seals ang natagpuang patay sa baybayin ng Caspian sa Russia.

Ang mga seal sa Caspian sea, ang tanging mga mammal na kabilang sa mga nanganganib na ang bilang ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN) red list simula pa noong 2008.

Bago ito, higit sa 140 Caspian seals ang natagpuang patay sa Kazakh beaches sa Caspian Sea.

Ayon sa IUCN, ang populasyon ng mga seals ay nakaranas ng over-hunting, habitat degradation at climate change.

Ang Caspian sea ay nasa boarder ng limang bansa na kinabibilangan ng Azerbaijan, Iran, Kazakhstan, Russia, at Turkmenistan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *