7,058 new COVID-19 cases; Total tallly 1,223,627 –DOH

Maitala ng Pilipinas ang mahigit 7,000 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa tatlong sunod-sunod na araw na.

Sa datos na inilabas ng Department of Health, lumalabas na 7,058 ang bagong infections, dahilan para sumipa ang total case count sa 1,223,627.

Kaugnay nito, naitala naman ang 6,852 na bagong recoveries, dahilan para dumami pa sa 1,149,010 ang kabuoang gumaling mula sa respiratory disease o 93.9% ng tally.

Samantala, nasa 139 naman ang bagong fatalities, dahilan para umakyat ang overall deaths sa 20,860.

Sa ngayon, nasa 53,757 pa ang mga active cases, kung saan 93.2% ang mild; 2.3% ang asymptomatic; 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon, 1.8% ang severe; at 1.28% ang moderate cases. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *