72 patay sa kaguluhan sa Johannesburg South Africa

Patuloy ngayon ang pagsisikap ng mga pulis at sundalo na maibalik ang kapayapaan sa ilang bahagi ng Johannesburg South Africa bunsod ng mga protesta at looting na nagresulta pa sa pagkamatay ng 72 na tao sa mga nakalipas na araw.

Nagsimula ang mga protesta matapos sumuko si dating South African President Jacob Zuma para harapin ang 15-month jail term na hatol sa kanya para sa contempt of court case nito.

Ang kaso ay nagresulta sa pagmamatigas ni Zuma na humarap sa anti-corruption commission bunsod ng mga alegasyon ng bribery at fraud na una na niyang itinanggi.

Ilan sa mga biktima ang sampung nasawi dahil sa stampede habang ang iba naman ay naaresto sa probinsiya ng KwaZulu-Natal na pinagmulan ni Zuma.

Ayon sa report, halos isang linggo nang nakikipag-pambuno sa mga pulis ang mga protesters at looters kung saan gumamit na ng rubber bullets ang mga otoridad.

Maraming negosyo na din ang nasira at pinasok ng mga looters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *