73 anyos na magsasaka wala ng buhay ng matagpuan sa  bulubunduking lugar sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Isang 73 anyos na lalaki ang  natagpuang wala ng buhay  kahapon, dakong 2:30 ng hapon sa Purok-4, Barangay Napaod, Labo, Camarines Norte.

Nakilala ang biktimang si BENJAMIN HERICO y Aquino, 73 anyos na magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat na ipinabatid ng Labo MPS, isang tawag mula sa 911 ang natanggap ng kanilang himpilan ukol sa diumanong natagpuang bangkay ng isang lalaki sa bulubunduking parte ng nasabing barangay.

Matapos ang pagberipika, agad na nagtungo ang mga tauhan ng nasabing himpilan sa lugar kasama ng mga tauhan ng CNPPO Forensic Unit upang iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay mayroong tama sa parteng ulo nito na hinihinalang mula sa isang matigas na bagay na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Belmonte Funeral Homes, Labo, Camarines Norte para sa pagsasagawa ng postmortem at autopsy examination.

Samantala, ang mga imbestigador ng nasabing himpilan ay patuloy na nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may kagagawan at kung ano ang motibo ng pagkakapaslang sa nasabing biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *