73% ng mga Pilipino – naniniwalang dapat i-priority ang pagpapalawak ng presensya sa WPS

Karamihan sa mga Pilipino ang nagsasabing dapat unahin ng pamahalaan ang pagpapalakas ng presensya ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa pinakabagong OCTA research survey, 73% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat bigyang-pansin ang nasabing usapin.

Ito ay sa gitna ng mas lumalalang tensyon sa pagitan ng mga barko ng China at ng Pilipinas sa naturang katubigan.

Kaugnay nito, nakikita rin ng nasa 72% ng mga Pilipino na diplomasya at kapayapaan ang mga paraan upang maresolba ang issue ng bansa sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *