74 na probinsiya sa bansa, nakaranas ng epekto ng El Niño nitong Abril

Pitompu’t apat na probinsiya sa bansa ang nakaranas ng tagtuyot nitong buwan ng Abril.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, sinabi nitong sa naturang bilang – 46 na probisniya ang nakaranas ng meteorological drought condition dahil sa mababang mga pag-ulan dahil sa El Niño.

Samantala sinabi ni Solis, na humihina na ang El Niño pero nakararanas pa rin ang bansa ng ‘hotter’ at ‘drier condition’.

Posibleng mag-transition ito sa nuetral condition ngayong Mayo hanggang sa pagsapit ng buwan ng Hunyo.

Habang 60 porsyento naman ang tsansa ma develop ang La Niña sa buwan ng June, July at August.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *