75% ng mga elderly sa US nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa 75% ng mga elderly Americans ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng Centers for Disease Control and Prevention.

Sa nasabing porsiyento, nasa 41 million ng mga Amerikanong nasa edad 65 pataas ay fully vaccinated na habang nasa 6-million senior ang nakatanggap ng unang dose.

Dahil dito, sinasabing nasa 86% ng 65-and-over population ng America ang nabigyan na ng level of immunity.

Gamit sa America ang mga bakuna na gawa ng Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson.

Matatandaan na umabot sa milyon-milyong mamamayan ng America ang nahawa ng COVID-19 habang umabot sa 464,000 ang bilang ng mga namatay dahil sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *