Sports

76ers nakabawi sa Game 2 kontra Hawks, 118-102

Naitabla ng Philadelphia 76ers sa 1-1 ang serye sa Eastern Conference semis laban sa Atlanta Hawks, 118 – 102.

Susi sa panalo ang 40 puntos at 13 rebounds mula kay Philly center Joel Embiid.

Tumulong din sa scoring sina Tobias Harris na may 22 points at 21 points naman ang naimbag ni Seth Curry.

Umabot ng hangang 18 puntos ang lamang ng 76ers mula sa first quarter at mula dito ay hindi na lumingon pa sa bisitang koponan.

Nanguna naman para sa Atlanta sina Trae Young at Danilo Gallinari na kapwa humakot ng tig-21 puntos.

Gaganapin naman ang Game 3 sa Sabado, June 13, sa homecourt ng Hawks.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

23 hours ago