Local News

Dikya na may mahahabang sting mas delikado- BFAR

CAMARINES NORTE- Pinag-i-ingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa paliligo sa dagat dahil sa naglipanang dikya o jellyfish na maaaring maging dahilan pa ng pagkamatay.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam na ang pinakamainam pa ring pag- iingat sa ngayon ay ang pag iwas sa palililigo sa dagat lalo’t may umiiral din namang restriction ang gobyerno dahil pa rin sa COVID- 19 pandemic.

Pero kung hindi umano maiiwasan ay kinakailangan ang ibayong pag- iingat at maligo lamang sa mga resort na mayroong net kung saan hindi makakapasok ang dikya,

Ayon kay Tiam, pinaka delikado sa mga species ng dikya ay ang mayroong mahahabang sting dahil mataas umano ang toxic level na inilalabas nito.

“Ang ingatan lang po natin ay yung mahahaba ang sting at yun po ang nagtataglay ng toxic na itatama doon sa kaniyang magiging biktima”, ani Tiam

“Sa ngayon po talagang panahon ngayon ng mga jellyfish o salabay na yan,  siguro number one na prevention natin since na tayo ay nasa mga restriction ng ating gobyerno, siguro wag na lang lumabas, huwag na lang maligo sa dagat kasi andiyan nga yung threat ng salabay  lalo na kung ma encounter mo yung highly toxic na specie ng salabay.”

Bilang paunang lunas ay maaari umanong maglagay ng mainit na towel sa parte ng katawan na apektado at dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Dagdag pa ni Tiam na tatagal ang season ng mga jellyfish partikular dito sa lalawigan ng Camarines Norte hanggang Agosto.

Ayon naman sa mga marine biologists ang pinakadelikadong uri ng dikya ay ang “cuatro cantos” o box jellyfish.

Maaari itong magpakawala ng selulang “nematocysts” na nagtataglay ng lasong maaaring makaparalisa sa puso at nervous system ng biktima.

Ipinapayo na kapag tinamaan ng sting o galamay ng cuatro cantos ay agad umahon mula sa tubig dahil posibleng may pakalat-kalat pa itong lason.

Mabisa umanong antiseptic ang suka o pang-alis ng mikrobyo sa nasalabay na bahagi ng katawan.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago