780 vials ng Pfizer vaccine, dumating sa Tacurong City

KORONADAL CITY — DUMATING na sa lungsod ng Tacurong ang 780 vials ng Pfizer – BioNtech Covid-19 vaccine mula sa Department of Health o DOH.

Dumating ang nasabing mga bakuna matapos nakabili ang local government unit ng Tacurong ng dalawang sub-zero freezers kung saan ilalagay ang mga temperature-senstive vaccines na nangangailangan ng -90 hanggang -60 degree Celsius na storage temperature.

Ito ang pinaka-unang batch ng Pfizer vaccine na dumating sa Tacurong na ibibigay sa mga hindi pa nabakunahang A1 hanggang A3 priority groups na kinabibilangan ng mga frontline health workers hanggang sa mga senior citizens.

Napag-alaman na anim na doses ang laman ng bawat vials ng Pfizer vaccine. Inaasahang nasa 2, 340 katao ang magiging fully-vaccinated mula sa mga bagong dating na bakuna.

Dahil sa pagdating ng nabanggit na mga bakuna, ang lungsod ng Tacurong ang pinaka-unang local government unit sa Sultan Kudarat na nakatanggap ng bakuna mula sa Pfizer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *