8 Japanese nationals na sangkot sa Luffy case, pina-deport ng BI

Pinabalik na sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration ang walong Japanese Nationals na sangkot sa iba’t ibang krimen sa Japan.

Kasama ang mga kinatawan ng Japanese Embassy, sinundo ng Japan Interpol ang walong hapon ngayong araw sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ang walo ay pawang sangkot sa luffy case kung saan nambibiktima sila ng mga hapon sa kanilang bansa pero dito nag ooperate sa Pilipinas.

Nakatakdang humarap sa batas ng Japan ang walong pinadeport na posible ring sangkot sa malaking criminal operations sa kanilang bansa.

Kung matatandaan, una nang naaresto sa bansa ang kanilang lider na si Yuki Watanabe na naipa-deport na rin sa Japan noong February 8 ng nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *