8 katao-patay, sa pagsabog ng ‘grain silo’ sa Southern Brazil

WALO ang kumpirmadong patay habang hindi naman bababa sa sampu ang sugatan matapos sumabog ang isang “grain silo” sa isang agricultural cooperative sa Southern Brazil.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente sa Parana State, partikular sa C. Vale cooperative sa maliit na bayan ng Palotina, ilang daang metro ang layo mula sa state’s capital na Curitiba.

Ayon mismo sa kooperatiba, hindi pa umano sa ngayon matukoy ang dahilan ng pagsabog habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang pag rescue sa mga nawawala pa nitong empleyado.

Samantala, binigyang diin naman ni Jose Ricken – ang pinuno ng Parana’s farm cooperative na isa lamang umano itong ‘isolated case’ lalo at wala namang naganap na kahalintulad na insidente sa loob ng matagal nang panahon.

Ang ‘grain silo’ ay imbakan ng bulto-bultong butil o “grains” katulad ng mais, barley at soybeans.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *