8 LGUs sa region 12, lumagda na sa MOA para sa Pambansang Pabahay program

KORONADAL CITY- WALONG mga local government units (LGUs) na sa Soccsksargen region ang lumagda sa Memorandum of Agreement o MOA sa Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD.

Ito ay para sa construction ng housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH ni Presidente Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Kabilang sa mga ito ang  city government ng General Santos, Koronadal, Tacurong, at Kidapawan, at municipal government ng Alabel, Malungon,  Midsayap at M’lang.

Napag-alaman na nag-pledge ang mga ito ng available government-owned na lupa na maaaring pagtayuan ng housing project, at tumukoy at mag-evalute ng mga  qualified low-income, minimum wage earners at Informal Settler Family (ISF) beneficiaries na ma-enroll sa “Interest Subsidy” housing program ng Marcos Administration.

Ang nasabing Pabahay Program ang sagot sa pangarap ng administrasyon na  “Walang Pilipinong Walang Bahay sa Sariling Bayan”.

Sa Koronadal City, nasa 2,000 na mga housing units ang nakatakdang itayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *