8 Militia ng Bayan sumurender sa Masbate, armas isinuko

SORSOGON CITY – Makaraang makita kung paano nagbago ang buhay ng kanilang mga dating kasamahan sa hukbo na una nang sumurender at nagbalik loob sa gobyerno, nagpasyang sumurender na rin ang 8 miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa 2nd Infantry Battalion na nakabase sa Masbate.

Dala ng mga nagbalik-loob ang mga armas na kinabibilangan ng M16 rifle, homemade shotgun, 6 na kalibre 38 na revolver, tatlong kalibre .357 na pistola at mga bala.

Pinasalamatan naman ng commander ng 2IB na si  Lt. Col. Siegfried Felipe Awichen, ang mga sumurender sa ginawa nilang  pagtalikod sa teroristang grupo.

Matatandaan na noong isang araw lang ay sumurender din ang 15 NPA na kinabibilangan ng 8 regular na miyembro ng NPA at 7 kasapi ng Sangay sa Partido sa Lokalidad (SPL) kasabay ng pagbaba ng kanilang 9 na armas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *