8 munisipyo sa Camarines Norte nakatanggap ng mga pirma sa People’s Initiative

CAMARINES NORTE – Ibinunyag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa walong munisipyo sa Camarines Norte ang nakatanggap ng pirma para sa people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.

Ito ang sinabi ni Election Office III Annelyn Abanes sa pagharap nito sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Basud para sa information dessimination kaugnay sa pagbubukas muli ng voter registration.

Ayon kay Abanes, ang mga bayan na mayroon naiulat na nakapirma sa People’s Innitiative ay ang Vinzons, Paracale, Capalonga, Sta Elena, San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Mercedes at Talisay.

Sa ngayon ay suspendido ang lahat ng proceedings  kaugnay sa People’s Initiative sa Charter Change kaya walang tatanggaping pirma mula sa Comelec local offices alinsunod sa naging desisyon ng Comelec en banc kamakailan.

Ito ay para bigyang-daan  ang pagsusuri ng mga guidelines o patakaran sa People’s Initiative sa pagnanais na amyendahan ang konstitusyon.

Aminado naman si Abanes na kung nagtuloy- tuloy ang pagpapapirma sa PI ay mahihirapan sila dahil hindi naman expertise ng Comelec ang pagsusuri o pag verify sa mga pirma.

Aniya nagbabago ang pirma ng mga tao sa paglipas ng mga taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *