8 Pamilya naapektuhan ng sunog kahapon sa Olongapo

OLONGAPO- Apektado ang walong pamilya matapos masunog ang isang apartment kahapon sa 14th St., Hansen, East Tapinac, Olongapo City.

Sa nasabing bilang, tatlo umano dito ay walang natira sa kagamitan sa kadahilanang nasa trabaho ang mga nakatira.

Ayon sa isang tenant na nagsisilbi ring caretaker na si Blanca Estrella, ipinaalam sa kanila ng isang nakatira doon na may nangangamoy.

Agad namang rumesponde ang kaniyang asawa gamit ang fire estinguisher habang inaantay ang responde ng mga otoridad.

Pasalamat na lamang umano at walang lubhang nasaktan sa pangyayari bagamat may mga gamit na natupok.

Sa ngayon ay iniimbistigahan pa ng BFP Olongapo ang posibleng sanhi ng sunog.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *