8 patay sa mass shooting sa San Jose, USA

Kinumpirma ni San Jose, USA Mayor Sam Liccardo na kilala ng mga biktima ang shooter na nakapatay sa walong tao sa isang madugong mass shooting incident sa Valley Transit Authority.

Ayon sa report, VTA employee din ang suspect na si Sam Cassidy na nagpakamatay din matapos ang krimen.

Inihayag ni Mayor Liccardo na nagtatrabaho sa light rail maintenance facility ang mga biktima.

Masinsinang imbestigasyon ang ginagawa ng mga otoridad ngayon para matukoy ang totoo at detalyadong pangyayari.

Ipinag-utos naman ni US President Joe Biden na half mast ang kanilang bandila bilang pakikiramay sa mga pamilya ng biktima.

Sa statement ni Biden, ito na ang ikalimang pagkakataon na ipinag-utos niya ang pagbaba ng kanilang bandila dahil sa mass shooting.

Naghayag na din ng pagkondena ang iba pang mga opisyal sa krimen kasabay ng pahayag ng kanilang frustration sa mga gun violence.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *