8, patay sa pagsabog ng isang kotse sa Syria

Patay ang walong indibidwal at 23 naman ang sugatan sa isang palengke sa hilaga ng Syrian city matapos sumabog ang isang kotse.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, ikinamatay ito ng walong indibidwal at 23 naman ang nasugutan .

Nagsimula ang digmaan ng Syria matapos supilin ng gobyerno ang mapayapang protesta noong 2011 at umakyat sa isang nakamamatay na salungatan na humila sa mga jihadist at dayuhang hukbo.

Sa ngayon, higit sa 507,000 katao na ang namatay sa digmaan at milyung-milyon na ang lumikas sa nasabing bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *