8 police stations sa So.Cot, nakatanggap ng bagong patrol cars

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng brand new patrol cars ang walong mga police stations sa lalawigan ng South Cotabato. Kabilang sa mga ito ang mga municipal police stations ng Banga, Surallah, Lake Sebu, TBoli, Tupi, Tampakan, Sto.Niño at ang 1st Provincial Mobile Force Company. Ang turn-over ng mga patrol cars ang pinangunahan ni Police Regional Office 12 Regional Director Jimili Macaraeg, Governor Reynaldo Tamayo Jr at Police Provincial Director Col. Cydric Earl Tamayo.

Sa pamamagitan ng mga bagong patrol cars, inaasahan na mas mapapabilis ang pagresponde ng mga kapulisan oras na may mangyaring krimen at mga insidente. Mapapalakas din nito ang law enforcement operations sa mga munisipyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *