8 sa 159,000 batang naturukan ng COVID-19 vaccine nakaranas ng adverse effect – DOH

Nasa walo lamang mula sa 159,612 sa age group na lima hanggang 11-taong gulang ang nakaranas ng adverse effect pagkatapos mabakunahan laban sa COVID-19

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa mga side effects ay ang mga pantal sa mga paa’t kamay, makating lalamunan, pagsusuka, at pananakit sa lugar kung saan tinurukan.

Sinabi ni Cabotaje na mayroong mga alituntunin at payo sa mga magulang at tagapag-alaga kung paano matutugunan ang mga masamang pangyayari.

Magagunitang nagsimula ang pilot vaccination para sa mga batang may edad na lima hanggang 11 noong Pebrero 7 at inumpisahang palawagin sa buong bansa kahapon.

Tiniyak naman ng DOH ang sapat na suplay ng bakuna na nakalaan para sa mga bata at sa katunayan mayroong panigabong trance ng mga bakuna ang nakatakdang dumating bukas Feb. 16 na tinatayang nasa 780,000 doses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *