Naga

8 sugatan sa nangyaring banggaan ng truck at bus sa Lupi, Camarines Sur

NAGA CITY – Sugatan ang 8 katao sa banggaan ng truck at bus sa Lupi, Camarines Sur kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP-Lupi, nangyari ang aksidente sa National Highway na sakop ng Barangay Bel-Cruz, kung saan sangkot ang isang pampasaherong bus at isang truck na papunta sana sa lalawigan ng Albay.

Napag-alaman kay FO1 Kevin Sta. Teresa, isa sa mga first responder sa aksidente, nadatnan nila ang bus na nakabalandra na sa kalsada at ang ilang pasaherong sugatan kung saan tatlo sa mga ito ang itinakbo sa pagamutan sa Sipocot District Hospital para sa kaukulang assistensya medical.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP na ang pampasaherong Bus ang may kasalanan matapos na mag-overtake ito sa truck kung saan matulin ang takbo nito at nang pagbalik nito sa inner most lane ay inabot nito ang likod na parte ng truck dahilan upang gumiwang-gewang na naging sanhi ng pagkakasugat ng 8 pasahero.

BNFM Naga

Recent Posts

Sen. Dela Rosa, nanindigang ‘di siya magagamit ni FPRRD para patalsikin si Pangulong Marcos

'Never akong magagamit' 'yan ang bwelta ni dating Philippine National Police (PNP) chief Senador Ronald…

4 mins ago

Mga pasabog ni dating Senador Trillanes hinggil sa destabilization plot, tila nag-uugnay ugnay na ayon sa ilang House leader

Tila may kredibilidad na ang mga banta ng destabilization o pagpapabagsak sa administrasyong Marcos. Ito…

9 mins ago

Mga posting nakahambalang sa gitna ng kalsada ng San Marcelino, tinanggal na

Tinanggal na ang mga nakahambalang na poste sa gitna ng kalsada sa bayan ng San…

10 mins ago

Boobay – nawalan ng malay habang nagho-host

Hinimatay ang komedyanteng si Boobay, 'o Norman Balbuena sa totoong buhay, habang nagho-host ng isang…

20 mins ago

DepEd – muling nagpaalalang bawal ang mga outdoor activities dahil sa matinding init

Muling inabisuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan hinggil sa mga aktibidad gaya…

27 mins ago

DOLE – inumpisahan na ang mga konsultasyon at mga pagdinig para sa dagdag-sahod

Binigyang-diin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na otomatiko ang proseso…

33 mins ago