8 sugatan sa nangyaring banggaan ng truck at bus sa Lupi, Camarines Sur

NAGA CITY – Sugatan ang 8 katao sa banggaan ng truck at bus sa Lupi, Camarines Sur kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection o BFP-Lupi, nangyari ang aksidente sa National Highway na sakop ng Barangay Bel-Cruz, kung saan sangkot ang isang pampasaherong bus at isang truck na papunta sana sa lalawigan ng Albay.

Napag-alaman kay FO1 Kevin Sta. Teresa, isa sa mga first responder sa aksidente, nadatnan nila ang bus na nakabalandra na sa kalsada at ang ilang pasaherong sugatan kung saan tatlo sa mga ito ang itinakbo sa pagamutan sa Sipocot District Hospital para sa kaukulang assistensya medical.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng PNP na ang pampasaherong Bus ang may kasalanan matapos na mag-overtake ito sa truck kung saan matulin ang takbo nito at nang pagbalik nito sa inner most lane ay inabot nito ang likod na parte ng truck dahilan upang gumiwang-gewang na naging sanhi ng pagkakasugat ng 8 pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *