8-taong gulang na batang lalaki, patay matapos pagtulungang paluin ng tsinelas ng kanyang ina at stepfather

Dead on arrival ang isang walong taong gulang na batang lalaki sa Brgy. Rosario, Pasig City matapos umano itong pagtulungang paluin ng tsinelas ng kanyang sariling ina at kinakasama nito.

Batay sa ulat ng Pasig City PNP, isinugod sa ospital ang nasabing biktima nitong May 27 ngunit hindi kinaya ng bata ang mga tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at kalaunan ay binawian rin ng buhay.

Paliwanag ng mga suspek, nais lamang nilang disiplinahin ang anak kung kaya’t maliban sa paghambalos ng tsinelas ay pinapa squat pa umano nila ito.

Batay naman sa isinagawang “cursory examination” ng ospital, lumalabas na nagtamo ng “hematoma” o pamumuo ng dugo sa mga braso at binti ang biktima.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang suspek na kinilalang sina Kimberly 29-anyos at Germarck, 30-anyos, para kaharapin ang kasong “homicide at parricide” habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naturang insidente.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *