8 tons per hectare na harvest ng palay, posible ayon kay Gov. Tamayo

KORONADAL CITY- KUMPIYANSA si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na maaabot ng lalaiwgan ang average na 8 tons per hectare na harvest ng palay sa ilalim ng Consolidated Rice Production and Mechanization System.

Ayon kay Tamayo na batay sa obserbasyon nito sa pilot area ng consolidated rice farming program sa Barangay Dajay, Surallah aabot ng 10 tons per hectare ang maaani ng mga magsasaka kung walang anumang kalamidad na tatama sa mga panananim.

Layon ng Consolidated Rice Production and Mechanization System na mapalakas ang produksyon ng palay mula sa 4.5 tons sa 8 tons per hectare, mapataas ang income ng mga farmers at mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *