80-anyos na lolo, graduate na sa kolehiyo!

Illinois, USA – Marami na ang nagpatunay na walang pinipiling edad o katayuan sa buhay ang edukasyon. Basta’t sapat ang determinasyon mong makapagtapos ng pag-aaral, ito ay iyong makakamtan.

Subalit kung ang iba ay nahihinto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, pagkakaroon ng problema sa pamilya at iba pang mga kadahilanan, ang 80-anyos na si Bill Gossett mula sa Illinois, ay napilitang huminto noon ng pag-aaral sa kolehiyo matapos siyang magsilbi bilang isang sundalo noong World War II.

Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, ligtas at buhay sana siyang nakauwi sakanyang pamilya ngunit hindi niya na rin naipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, nang iniatas na ng kanyang ama sakanya ang pagpapatakbo sa negosyo ng kanilang pamilya.

Ngunit dahil sakanyang dedikasyon na matapos pa rin ang kanyang pag-aaral sakabila ng edad, sumangguni siya sa Lincoln College at pumayag ang pamunuan nito na i-credits ang kanyang units noong 1940’s.

Natapos niya ang kanyang kursong Associate of Arts degree nitong nakaraang taon subalit dahil sa pandemya kung saan nagpatupad ng kaliwa’t-kanang lockdown ay ngayong 2021 lamang siya nakapag martsa na ikinalugod ng kanyang eskwelahan, pamilya at mga kaibigan.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *