81.6% sa target 2022 population ng Isabela, bakunado na

Bakunado na kontra covid-19 ang 81.6% sa 80% 2022 target population na mabakunahan sa lalawigan ng Isabela.


Ayon sa Isabela Integrated Provincial Health Office, ito ay 83.8% o katumbas ng 1, 043, 858 individuals ng total 2021 population ang nakatanggap na ng first dose ng vaccine.


Nasa 75.1% o katumbas ng 964,525 na indibidwal naman sa lalawigan ang naitalang fully vaccinated.


Samantala, 4.9% na lamang o 48,941 na indibidwal ang natitirang hindi pa bakunado sa adult population.


Habang 49.3% o 174, 244 katao naman ang hindi pa nababakunahan na kabilang sa pediatric population.


Ito ay matapos mabakunahan ang 178,977 na batang edad 5-17 mula sa 353,221 target na mabakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *