8,748 bagong COVID-19 cases; Active cases, 53,770 pa

Naitala ng Department of Health ang 8,748 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahilan para sumipa ang total tally sa 1,209,154.

Hindi naman kasama sa bilang ang datos mula sa apat na laboratoryo na bigong makasumite ng datos on time.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na mahigit 8,000 ang mga bagong kaso na naitala sa loob ng 25 araw.

Sinabi naman ng DOH na tumaas ang bilang ng active cases sa 53,770, kung saan 93.2% ang mild, 2.2% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, tumaas ang bilang ng total recoveries sa 1,134,818, matapos gumaling ang 3,017 pang pasyente, habang 187 ang mga bagong fatalities na naidagdag dahilan para umakyat ang death toll sa 20,566. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *