88 pinatay ng mga bandido sa Nigeria

Umabot sa 88 na tao ang pinatay ng mga bandido na sumalakay sa Kebbi state sa Nigeria.

Ayon sa report, sinuyod ng mga suspect ang walong villages kung saan pinaslang ang mga biktima habang marami sa mga residente ang napilitang lumikas.

Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ni Kebbi Governor Abubakar Bagudu na nagmula ang mga sumalakay na suspect sa kalapit na Niger at Zamfara states.

Nanawagan naman ng mas malaking deployment ng security forces si Governor Bagudu para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Matatandaan na umabot na sa 800 estudyante mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Nigeria ang dinukot ng mga bandido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *