Local News

9 na LGU sa Albay, mayroon nang evacuation centerS na magagamit sa oras ng kalamidad – APSEMO

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public and Safety Management Office (APSEMO) na may mga ipinagawa nang mga evacuation centers ang bawat lokal na pamahalaan sa tulong ng mga International Development Cooperation Agency tulad ng Japan at Spanish.

Ayon kay Dr. Cedric Daep, head ng APSEMO, mayroong siyam na evacuation centers ang nasabing lalawigan na magagamit sa oras ng kalamidad.

Kabilang sa mga mayroong evacuation centers ay ang bayan ng Camalig, Guinobatan, Libon, Oas, Polangui, Manito, Legazpi, Sto Domingo at Daaraga.

Hindi pa kasama sa bilang ang mga ipinatayong pasilidad sa tulong ng nabanggit na bansa.

Dagdag pa nito, tuwing sinasalanta ng bagyo ang Albay ay umaabot sa humigit-kumulang 530,000 ang populasyon na nasa evacuation center.

Sinabi ng opisyal, kumpleto umano ang evacuation centers sa lalawigan kung saan karamihang mga ginagamit ay mga paaralan.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Ombudsman, pinakakasuhan sina dating Health Sec. Duque at dating Budget Usec. Lao

Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sina dating Health Sec. Francisco Duque III at dating…

1 hour ago

Korte sa Japan pinayagang gumamit ng parehas na apelyido ang isang same sex couple

Pinayagan ng family court sa Japan ang isang same sex couple na gumamit ng iisang…

1 hour ago

Vice Ganda, kumasa na sa Tiktok challenge na Piliin mo ang Pilipinas

Kumasa na sa Challenge ang TV host na si Vice Ganda sa trending na Piliin…

2 hours ago

Vintage bomb, nakaplagan sa Panabo

NAKAPLAGAN sa usa ka farm laborer ang Unexploded Explosive Ordnance (UEO) Ctg, 81mm Mortar sa…

2 hours ago

Person with disability, angol human nabanggan og sakyanan

Pangos ug bun-og ang naangkon sa usa ka person with disability o PWD sa nagkadaiyang…

2 hours ago

Gaballo bigo kontra Mexican fighter

Bigo si Reymart “Assassin” Gaballo sa kamay ng Mexican fighter na si Kenbun Torres. Napatumba…

8 hours ago