Local News

P80K halaga ng aircon at laptop, tinangay ng magnanakaw mula sa isang paaralan sa Batangas

Aabot sa mahigit P80,000 na halaga ng mga laptop at aircon ang natangay ng hindi nakikilalang magnanakaw sa isang school sa Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City, Batangas.

Batay sa report, personal na nagtungo sa Lipa City Police Station ang Principal ng San Adriana Elementary School upang idulog sa mga kapulisan ang nangyaring pagnanakaw.

Ayon sa imbestigasyon, umaga noong Lunes, October 3, 2022 nang pumasok ang school utility sa principal office upang linisan ang naturang lugar.

Noong mga oras na iyon, agad niyang napansin na magulo ang mga gamit sa loob ng principal office at tila nawawala ang ibang gamit.

Kabilang sa mga natangay ng mga magnanakaw ang isang window type aircon, dalawang laptop na nagkakahalaga ng P25,846 at isa pang laptop na nagkakahalaga naman ng P30,638 na pawang in-issue ng DepEd sa naturang paaralan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon at inaalam ng mga awtoridad kung sino ang mga magnanakaw

BNFM Batangas

Recent Posts

Reymart ‘The Assasin’ Gaballo – muling sasabak sa ring kontra sa Mexicanong si Kenbun Torres!

Muling sasabak sa ring ang reigning WBO Oriental bantamweight chapion na si Reymart Gaballo. Makasasagupa…

5 mins ago

Pag-isyu ng Philippine visa sa mga Chinese nationals, mas hihigpitan na ng DFA

Mas lalong hihigpitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng visa sa mga…

9 mins ago

Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, sinampahan ng cyber liber case si Cristy Fermin

Pormal na naghain ng reklamong cyber libel ang mag-asawang si Sharon Cuneta at former Senator…

12 mins ago

Bato, nanindigang hindi magtatago hinggil sa posibleng ICC arrest warrant

Tumanggi si dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na banggitin…

17 mins ago

3, patay matapos malason sa nakaing butete sa Libon, Albay

PATAY ang tatlong indibidwal habang apat naman ang nasa hospital matapos na malason ng kinaing…

21 mins ago

COMELEC – bukas sa panukalang i-reschedule ang BSKE

Kinikilala raw ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahing pag-move ng Barangay at Sangguniang Kabataan…

24 mins ago