9 na LGUs sa Sorsogon pasok sa 23rd GK seal for LDRRMC/O; PLGU, ‘beyond compliant’ din

Tinanghal bilang fully compliant municipalities sa 23rd Gawad Kalasag Seal for Local DRRM Councils and Offices ang siyam na mga lokal na pamahalaan sa Sorsogon.

Kinabibilangan ito ng LGU Sorsogon City, Barcelona, Castilla, Irosin, Juban, Casiguran, Donsol, Pilar, at Sta Magdalena.

Nagpapasalamat naman ang mga MDRRMC Chief ng nasabing mga LGUs sa mga miyembro ng kanilang MDRRMC dahil sa aktibong partisipasyon ng mga ito sa mga aktibidad ng kanilang Lokal na Pamahalaan.

Samantala, tinanghal naman na ‘beyond compliant’ ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa prestihiyosong Gawad Kalasag dahil sa namumukod-tangi nitong pagsisikap sa pagtataguyod at pagsusulong ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at pagpapakita ng isang kapuri-puring pangako sa kaligtasan at katatagan ng lalawigan.

Ang Gawad KALASAG o KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan ay isang mandatory assessment ng lahat ng Local DRRM Councils at Offices ng mga local government units, partikular ang mga probinsya, lungsod at munisipalidad sa bansa. Nagsisilbi din itong recognition and award scheme ng bansa para sa iba’t ibang stakeholder na nagsusulong at nagpapatupad ng disaster risk reduction and management, climate change adaptation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *